Grabeng panlalamang

    997
    0
    SHARE

    IWAN MUNA natin at pansamantalang
    ibaling ang paksa sa di pulitikal
    na isyu, kundi sa temang kalakalan,
    na aywan kung tama ang gawa ng ilan.

    Tulad halimbawa nitong ilang ‘network’
    ng ‘internet,’( Smart, Sun, TM at Globe,)
    tama bang oras na tayo ay nagpa-’load,’
    may taning na araw na dapat maubos?

    Kung saan ginamit natin yan o hindi,
    dahil may ‘expiry date,’ ubos palagi
    ang ‘load’ natin nang ni walang pasubali,
    at hindi rin naman tayo makatanggi?

    At ang mas grabe pang panlalamang nila
    ay itong kapagka’ may ‘load’ tayong extra
    (maliban sa UNLI CALL at saka TEXT pa),
    na pinaka-promo ng TM at Globe ba?

    Nilalamon din nang kasabay parati
    ng extrang ‘load’ natin na pang ‘EXTEND’ bale
    nitong masahol pa sa gutom na buwitre
    na mga may-ari sa puntong nasabi!

    Hindi pa ba sila makuntento riyan
    sa bilyones nilang kita araw-araw,
    kaya nila nagagawang pagnakawan
    ang dapat ay patas nilang pagsilbihan?

    Na kahit batid na nating di parehas
    ang serbisyo nila’t klaseng pamalakad
    ay patuloy pa rin nating niyayakap,
    sanhi ng wala ng ibang mahagilap?

    Sana itong isa na napabalitang
    ‘internet provider’ daw na nakatakdang
    magtayo rito ng bagay na naturan
    na mas mabilis at mura ang singil n’yan.

    Sa lalong madaling panahon matupad
    upang itong TM, Sun, Globe at ang Smart
    ay di na maaring makapayagpag,
    kapag nagkarun ng karibal na patas.

    Di kagaya ngayong kwenta dalawa lang
    ang ‘internet providers’ na naririyan,
    dahilan na rin sa itong Smart at Sun
    ay kwenta isa lang ang serbisyong bigay;
    at ang TM at Globe ay ganun din naman.

    Pero katulad nga ng ating sinabi
    sa dakong unahan nito ni ‘yours truly,’
    kapag natuloy ang plano ni Duterte,
    patay ang negosyo ng mga ‘yan pati.

    At ang pagkamal n’yan nitong limpak-limpak
    na salaping galing sa di nila patas
    na panuntunan at tusong pamalakad,
    tiyak liliit na pagdating ng oras

    Sapagkat anumang bagay na nakamit
    sa pamamagitan ng gawaing pangit,
    paka-asahang ang bigay na kapalit
    ay pagkabigo at parusa ng langit!

    Tama’t sa ngayon ay tumatabo sila
    ng limpak-limpak na salapi sa tuwina,
    bunsod ng diskarteng di patas talaga,
    pero hanggang saan sa akala nila?

    Hahantong ang kahit ano pa mang bagay
    na di sa malinis na pamamaraan
    nakamit, kung hindi pagdating ng araw
    ay daranas sila ng kapighatian!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here