Nayong nakatikim ng tagumpay si Governor ER dahil sa pamamayagpag ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, plano rin niyang sumali sa susunod na MMFF pero pambatang action film na raw ang gagawin ni ER.
“Lesson learned. Hindi na R-13. Mabigat ang R-13,” say niyang natatawa.
Handa rin daw siyang makipagbanggaan kina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto sa next MMFF.
“Ah, opo, tatapatan namin ’yun. Pagagandahin namin.”
Pero isang taon pa naman bago mag-MMFF ulit kaya mahaba pa ang preparasyon niya. Right now, tatapusin muna niya ang El Presidente bago gumawa ng bagong project.
May nagtanong kung payag ba siyang maging leading lady si Kris Aquino. Ani ER, oo naman.
“Bakit naman hindi? Puwede, siyempre, kumare ko ’yun, eh,” natatawa niya ring sabi.
Pagkatapos daw ng showing dito sa ’Pinas ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, ang international market naman ang pupuntiryahin ni Laguna Governor ER Ejercito.
Plano nilang sumali sa iba’t ibang international film festivals tulad ng Cannes at umaasa silang mare-recognize rin daw ang pelikula sa award-giving bodies sa ibang bansa tulad ng Asian Awards at ang prestihiyosong Oscar’s.