Gordon, Magsaysay talo

    439
    0
    SHARE

    IBA, Zambales —Nagtapos na ang politicaldynasty ng mga Gordon sa Olongapo City makaraang matalo ang mga ito sa katatapos na halalan.

    Kabilang sa mga natalo ay ang mag-asawang Anne Marie Gordon na tumakbo sa pagka-mayor at kasalukuyang Mayor James Gordon Jr., na tumakbo naman sa pagka-congressman ng 1st District ng Zambales.

    Talo din ang kanilang pamangkin ngunit kalaban a pulitika na sina Bugsy Delos Reyes na tumakbong mayor at Brian Gordon na tumakbong vice Mayor na anak ni Senator Dick Gordon.

    Hindi pa rin nakakatiyak ng panalo sina JC de los Reyes na tumatakbong Senator na pamangkin ni Dick Gordon sa pagkapanalo bilang Senator.

    Sa pamilya Magsaysay, talo din sina Jesus Vicente Magsaysay II (Jobo) na tumakbo sa pagka-congressman ng 1st District ng Zambales at Vic-Vic Magsaysay na tumakbo sa pagka-vice mayor ng Olongapo City, pawing mga anak ni Congresswoman Mitos Magsaysay at apo ni Senator Jun Mgasaysay.

    Si Ann Gordon at Bugsy de los Reyes ay tinalo ni Rolen Paulino sa pagka mayor. Tinalo naman ni Rodel Cerezo sina Vic Vic Magsaysay at Brian Gordon sa pagka vice Mayor.

    Sa pagka-representative sa 1st District ng Zambales tinalo ni Jeffry Konghun sina James Gordon at Jesus Vicente Magsaysay ll (Jobo).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here