Good news mula sa Star Cinema

    612
    0
    SHARE
    After I Love You Goodbye this filmfest, ang pelikula naman nina Gerald Anderson at Kim Chiu ang opening salvo ng Star Cinema for 2010.

    May playdate na itong January 27 at may working title na Paano na Kaya?, titulo ng kanta ni Bugoy na gagamiting theme song ng movie.

    Nasa kalagitnaan na raw ang shooting mula sa direksyon ni Ruel Bayani, siya ring direktor nina Kim at Gerald sa Tayong Dalawa. Napanood na ng Star Cinema people ang rushes at ibang-iba raw talaga ito sa mga dating ginawa na nina Kim at Gerald.

    For sure, magugustuhan na naman daw ito ng supporters ng dalawa.

    After the Kim-Gerald movie, next in line ay ang Valentine’s offering naman ng Star Cinema, ang pagbabalik ng tambalang John Lloyd Cruz-Bea Alonzo sa pelikulang Miss You Like Crazy.
    Nagsimula na raw mag-shooting ang movie na may shooting pa sa Malaysia ngayong January.

    Nakatakda na ring simulan ang unang pelikula ni Zaijian Jaranilla kasama si Piolo Pascual na may father and son theme.

    Baka raw ang leading lady ni PJ dito ay si Carmen Soo.

    Naka-schedule na ring simulan ang first movie ever ng mag-amang Gabby and KC Concepcion with Jericho Rosales as the young actress’ leading man.

     May naka-line-up ding isa pang family movie si Direk Laurice Guillen na mala-Tanging Yaman at inaayos pa ang mga bida na mostly ay young stars with Lorna Tolentino as one of the major cast members.

     Ayon kay Roxy Liquigan ng Star Cinema, tuloy na tuloy pa rin ang movie nina Aga Muhlach at Angel Locsin mula sa direksyon ni Olive Lamasan.

    May naka-line-up ding movie si Direk Chito Roño na pagbibidahan naman ni Vhong Navarro.

    May movie rin sina Sam Milby at Anne Curtis although hindi pa definite kung kailan ito ipalalabas and ang alam namin, nag-first shooting day na nga ito.

    Isa pang balita na tiyak na ikatutuwa ng fans nina Melissa or Melay at Jason ng ongoing Pinoy Big Brother, may naka-line-up na rin palang pelikula ang Star Cinema para sa magka-loveteam.

    Baka raw isama ang dalawa sa isang Ai-Ai de las Alas movie.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here