Good guy ang dapat maging AFP chief –Trillanes

    394
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Kung si Senador Antonio Trillanes IV ang tatanungin, mas gugustuhin niya ang magiging pinuno ng Sandatahang Lakas ng Bansa ay isang mabuting tao, may bisyon, political will at kakayahang mamumo.

    Ito ang pamantayang binanggit ni Trillanes sa ekslusibong panayam ng Punto noong Lunes matapos siyang magsilbing panauhing pandangal sa araw ng pagtatapos ng mga mag-aaral ng College of Engineering ng Bulacan State University.

    Sa panayam, sinabi ng senador na siya ang nagsusulong ng panuklang bigyan ng tatlong taong termino ang sinumang itatalagang chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

    Ngunit sa kabila ng kanyang sinabing pamantayan, sinabi ng Senador na ang Pangulo pa rin ng Pilipinas ang may karapatang pumili ng magiging pinuno ng AFP.

    “It depends on the President, it is his call,” aniya sa isang ambush interview.

    Layunin ng panukala na mapigil ang kurapsyon sa AFP katulad ng kinasangkutan ng mga dating heneral na sina Carlos Garcia at Jacinto Ligot na kapwa nagsilbing comptroller ng AFP at kapwa rin inakusahan ng pagbubulsa ng milyun-milyong pondo.

    Ayon kay Trillanes, kung hindi nakapako sa tatlong taon ang termino ng pinuno ng AFP, walang iisipin ang sinumang kandidato para sa nasabing posisyon kung hindi ang makuha iyon, sa halip na makapagsagawa ng pagbabago sa ikauunlad nito.

    “I believe, it will stop corruption in the armed forces,” aniya at sinabing ang tatlong taong termino ay nangangahulugan ng reporma sa AFP.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here