Gob tinukoy ni Yabut sa Infra na Php167-M

    429
    0
    SHARE

    BAGO PA humabol sa pagka-governor
    ang dating Senior Board Member sa Capitol
    ng Pampanga ay may nagsabi na noon
    na siya ang tunay na makatutulong

    Sa pag-asenso ng kanyang lalawigan
    kung siya’y pamuling pagtitiwalaan
    ng mga kabalen para maihalal
    sa mas mataas na posisyong pambayan

    Matapos na siya ay makapagsilbi
    sa Kapitolyo ng ‘3 terms’ yata bale,
    (Maliban sa kanyang pagiging Alkalde
    sa bayan ng Lubao – na lubhang masuwere

    Sa pagkakaroon ng isang matapat
    at mapuring anak na lubhang mahirap
    hanapin ang gaya niyang ubod ng sipag
    at maa-asahan sa lahat ng oras).

    At di nagkamali ang taga Pampanga
    sa pagka-halal kay Lilia G. Pineda,
    Sapagkat animo ay ‘Nanay’ talaga
    si Gob ng kanyang mga kaprobinsya

    Kung harapin niya ang mga tungkuling
    marapat gampanan sa kabalen natin,
    Dahilan na rin sa kung kanyang ituring
    ay parang sa tunay na kadugo na rin.

    At talaga namang walang makatulad
    si ‘Nanay’ pagdating sa pangkomunidad
    na serbisyo dahil una yan sa lahat,
    partikular na sa mga kapuspalad.

    Gaya nitong mga nabanggit ni Yabut
    na mga proyektong pinatayo ni Gob,
    sa kuwatro distrito na kanilang sakop
    ng isa pang Bokal, na ‘millions of pesos’

    Ang inilaan ni Governor Pineda
    para sa konstruksyon ng mga iskwela,
    ‘multi-purpose covered buildings’ at iba pa
    sa walong bayan ng naturang probinsya

    Na kung saan itong mga ‘public toilets’
    ng bawat iskwela’y pawang ‘elevated,’
    kasama pati na ang ‘newly constructed’
    na mga ‘school rooms’ para sa ‘students’.

    (At itong nasabing ‘elevated classrooms’
    ay di lang marahil bilang ‘public schools’
    ang mga yan kundi pupuede itong
    gamitin ‘as shelters’ sa tamang panahon).

    “Natutuwa ako” ang wika ni Yabut,
    “magkatulad kami ng mithiin ni Gob,
    na masuportahan para makatapos
    sa pag-aaral ang sa buhay hikahos”

    At dahil na rin sa itong edukasyon
    ay isa sa mga nais ni Governor
    na mabigyan ng ‘top priorities’ ngayon
    para iangat ang mga ‘public schools’

    Na kung saan ang bahaging intelektwal
    ng edukasyon ay tunay na di lamang
    kinokonsidera, kundi sa pisikal
    na aspeto pati sa puntong naturan.

    Di ko sinasabing ang mga naunang
    nagsi-upo bilang Punong Lalawigan
    ay walang nagawa sa panunungkulan
    kaya naisulat ko ang bagay na yan.

    Kundi bagkus mga ‘pieces of advice’ lang
    na pupuede natin naman ding tularan,
    sakali’t maghangad tayo balang araw
    na maging Governor ding tulad ni ‘Nanay’!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here