Ang pagkakaroon ng data or internet connection sa bahay ay pangangailangan na naging mas mahalaga simula ng nagkaroon ng pandemya. Ngunit ngayong patuloy na ang pagluwag ng mga restrictions at protocols, mas napapadalas na ang paglabas ng maraming Pilipino para kumayod, mag-aral, o mamasyal sa iba’t ibang lugar. Paano masusulit ng iyong pamilya at inyong wifi kung sila naman ay nasa labas ng bahay?
Ang sagot diyan ng Globe At Home Prepaid Wifi ay ang HomeSHARE199 na sisiguruhing masuportahan ang pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino na umaasa sa mabilis at sulit na internet connection, nasa loob o labas man sila ng kani-kanilang tahanan, upang mapalago ang kanilang buhay.
“Sinisiguro namin sa Globe At Home na ang aming mga customers ay makagagamit ng data kahit nasa bahay man sila o nasa labas habang tinutupad nila ang kanilang mga pangarap,” ani Barbie Dapul, Vice President for Marketing ng Globe At Home. “Inaasahan namin na gamit ang HomeSHARE199, malayo ang mararating nila sa buhay.”
Simot-sulit data para sa buong pamilya
Para kina Tatay, Nanay, Ate, Kuya at Bunso na may iba’t ibang kailangan online pero kailangan sakto sa budget, magiging sulit na sulit ang HomeShare 199 para sa kanila dahil:
1. Pwedeng makapag-share ng data mula sa kanilang Globe At Home Prepaid WiFi kay Nanay na abala sa kanyang mga online orders, o kay Ate na naghahanap ng bagong trabaho, o kaya naman kay Bunso na mahilig mag-mobile games pagkatapos ng online classes.
2. Hindi na kailangang bumili pa o mag-subscribe ng ibang data promos dahil sulit na sa budget at pangangailangan ng buong pamilya ang HomeSHARE199.
3. Madaling budget-in ang data depende sa pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya para mas simot at mas sulit ang bawat gamit nito.
Sa presyong Php199 lang, may 20GB na data nang magagamit ng 7 araw para sa social media, games at surfing. Mayroon ding libreng 5GB para makapanood ng mga videos, makapag-aral at pag-o-online business.
Mai-se-share ang data allocation gamit ang bagong Globe One app para sa mga users ng Globe Prepaid, Globe MyFi, Globe TM, Globe Postpaid, Platinum at Home Prepaid WiFi.
Data-sharing na mas pinadali
Para magamit ang HomeSHARE at makapagbahagi ng data sa ibang device, sundin lamang ang mga steps para makapag-register:
1. Buksan lang ang Globe At Home o Globe One App;
2. Mag-subscribe sa HomeSHARE199;
3. Pindutin ang GROUP DATA para makapag-add ng members;
4. Ilagay lang ang pangalan at numero ng iyong kapamilya;
5. Pumili at maglagay ng PREFERRED DATA LIMIT.
HomeSHARE para sa mga madiskarte moms tulad ni mommy Marian
Ipinakilala si Marian Rivera-Dantes bilang pinakabagong brand ambassador ng Globe At Home Prepaid Wifi.
Ang sikat na aktres, negosyante at nanay ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga Filipino moms na madiskarte pagdating sa pagiging ilaw ng tahanan. Dahil sa HomeSHARE199, Si Marian at ang iba pang madiskarte moms ay mayroon ng “simot-sulit” na shareable data para matulungan ang kanilang pamilya sa kani-kanilang pangangailangan at pangarap, nasa loob o labas man sila ng kanilang mga tahanan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa HomeSHARE199, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/broadband/homeshare.html