Pinamagatang Dreams Never End, sa concert ibabahagi ng GMA Artist Center talent ang ilan sa mga kantang ginawa niya na bahagi rin ng self-produced album niyang Synthesis.
Inamin ni Glaiza na magkahalo ang kaba at pananabik para sa pinakauna niyang concert.
Aniya, “Ever since the launch of Synthesis, I’ve become more inspired to share my music. Excited ako to perform my songs to everyone and above anything else, I want to make it intimate for my fans. This is going to be my way of saying thanks.”
Makakasama ng singer-songwriter ang ilan sa mga kaibigan niya sa industriya gaya nina Jay R, Kitchie Nadal, Aiza Seguerra at Regine Velasquez-Alcasid.
Kapapanabikan din ng RaStro rebels, ang mga tagahanga ng ground-breaking serye na The Rich Man’s Daughter, ang muling pagsasama nila ng ka-loveteam na si Rhian Ramos na siya ring makikikanta kasama ang Kapuso actress.
Ang Dreams Never End ay sa ilalim ng direksyon ni Rico Gutierrez, kasama si Marc Lopez bilang musical director at GMA Network bilang official media partner.