Gladys Reyes pangkuto na lang ang beauty

    503
    0
    SHARE
    Na-amuse naman kami sa komento ng isang drugstore saleslady sa Candaba, Pampanga tungkol kay Gladys Reyes. Nakapaskel kasi sa harapan ng drugstore yung print ad ng endorsement ni Gladys Reeys. We forgot to get the name of the product pero ito ay pamatay-kuto.

    Yes, kuto. Yung peste sa ulo ng mga babae. Kumbaga, kung gusto mong mawalis ang iyong kuto at lisa, gamitin mo ang produktong ine-endorse ni Gladys. “Ganoon po ba talaga, pangkuto na lang ang beauty ni Gladys. Ay, napaka-unglamorous naman ng endorsement niya, kadiri talaga,”sabi pa sa amin ng dispatsadora.

    Oo nga naman, bakit naman sa lahat ng endorsement, pamatay pa ng kuto? Masabi kaya ni Gladys na subok na niya’ng produkto at ginagamit niya ito personally? Aba, kapag sinabi niya yun, parang inamin na ni Gladys na marami siyang kuto, di po ba?

    Sa isang banda, pera din naman yun, di puwedeng tanggihan. Kahit na print ad lang, kahit paano, puwedeng sabihing malaki naman ang binayad sa kanya, at yun ang mahalaga.

    Pero ana, yung mga glamorous products ang i-endorse si Gladys next time.

    Kasi baka masanay ang mga ad exec kay Gladys, next time, funeraria ang ialok na sa kanya. Euwww!

    O kaya naman, pamatay- bulate o patuka sa itik.

    Huwag naman sana!

    Kunsabagay, matagal nang nawala sa sirkulasyon si Gladys kahit paminsan-minsan may mga labas pa rin siya. Kung gaano kaliit ang mga roles na napupunta sa kanya of late, ganoon din siyempre ang timbang ng mga endorsement na napupunta sa kanya.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here