Gina Alajar gutom sa publisidad?

    438
    0
    SHARE
    Naguguluhan na ang publiko kay Gina Alajar. Napaka-conflicting na ng mga sinasabi niya dahil nga sarili na niya’ng sinasalungat niya.

    Sa true lang, halata na talagang nagpapakontrobersyal lang sina Gina pati na’ng anak niya  kaya nagdidiwara sila tungkol kay Krista Ranillo. Hindi ba, nakauuta nang pakinggan si Geoff na  kalalaki niyang tao, panay din ang dakdak gayung hindi naman talaga siya kasali sa isyu. Kung bakit ‘di na lang ipinaubaya sa ina ‘yung pagkaklaro kung meron mang dapat klaruhin.

    Anyway, nagsalitg nga si Gina na wala daw siyang dapat ipa-public apology sa kampo nio Krista. ‘Yung sinabi raw niya sa kanyang Facebook ay ‘yun ang nararamdama niya kaya wala siyang dapat na ikatakot kaninoman.

    Sabi pa ni Gina, hindi naman daw siya pinakakain ng sinoman kaya wala siyang dapat na kilalanin kanino mang tao. At sinabi niya ‘yan on national tv na may conviction pa.

    Ang nakapagtataka lang, kung bakit putak pa siya nang putak sa The Buzz na kesyo idedemanda raw niya dahil nga pinakialaman ang kanyang Facebook.

    Susme, hindi yata alam ni Ms. Alajar ang kanyang pinagsasabi.

    Imagine, ‘yung hindi niya kayang gawin ay gusto niyang ipagawa sa ibang tao.

    Anyway, heto ang mga pronouncements ni Gina Alajar na halatang promo ng kanyang tv project.

    Ano ba itong si Gina Alajar, gutom sa publisidad?

    “This will be a solo battle, ang kasama ko lang palagi riyan ay pamilya ko.”

     Ito naman ang paniniguro ng Sana Ngayong Pasko co-star ni Susan na si Gina Alajar tungkol sa kinasasangkutan gusot sa pamilya nina Mat at Krista Ranillo.

    Ayon kay Gina, ikinagulat niya ang statement ng anak na si Geoff na ang pamilya nila ang matagal nang naghihintay ng apology, pero walang dumating.

    “Nagulat din ako, eh, kung bakit lumabas sa bibig niya ‘yun.

     “I would feel bad kung hindi magpa-public apology ang The Buzz. I will feel sad, kasi, it just goes to show hindi sila puwedeng pagkatiwalaan. I’m sorry, I’m sorry.

    “This is not about Boy Abunda, this is not about Kris Aquino, this is not about Ruffa Gutierrez. Alam ko kung sino ang nagsulat ng article, alam ko kung sino ang researcher, kilala ko. I hold them accountable.

    “Meron talagang mga tao na hindi umaamin ng kasalanan. Meron talagang mga taong hindi umaamin ng pagkakamali nila, maybe isa rin ako roon, I do not know. Pero ganu’n talaga ’yon.”

    Ang gulo ni Gina, hindi po ba?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here