Gimik lang??? Pops-Jomari break up di sineseryoso

    276
    0
    SHARE
    Hanggang ngayon, kapuwa ayaw pang magsalita nina Jomari Yllana at Pops Fernandez sa kanilang napabalitang break up. Di umano, ayon sa report ng isang talkshow, pera’ng matinding dahilan ng kanilang paghihiwalay. Na ipinalalabas ng balita na maraming di pinagkasunduan ang dalawa dun sa resulta sa finances ng kanilang pinagsosyohang concert na Missing You which featured Pops and ex Martin Nievera. But until now, the two are still mum about the issue.

    Sa side ni Jomari, ang alibi nito ay busy siya sa taping ng Zorro where he plays the mentor and trainer of Richard Gutierrez who plays the title role in this GMA 7 project.

    Bukod dito, busy rin daw si Jom sa kanyang concert para kina David Cook at David Archuleta sa darating na May 16.  Si Pops naman, busy raw sa kanyang US Tour Divas 4 Divas.

    Nakapagtataka lang na wala silang time to answer the issue pero panay naman ang promote nila ng kanilang mga projects. Na everytime na binabanggit ang hiwalayan nila, kasunod na ang pagbanggit sa kani-kanilang projects.

    Nakapagdududa tuloy na gimik lang ito ng break up ng dalawa to gain free media mileage sa darating nilang projects, sabay sabing malalampasan din daw ng dalawa ang unos na ito sa kanilang relasyon.

    Isa raw sa problema nina Jomari at Pops ay ang kawalan ng oras na magkita’t magkausap. Nabanggit nga ng aktor sa isang panayam na sa telepono na lang sila nagkakausap ng Concert Queen dahil sa Bagac, Bataan, siya nagte-taping ng Zorro, ang serye na nagpabalik sa kanya sa GMA-7.

    Excited si Jomari sa labas niya sa  dahil role ni Antonio Banderas sa movie version ang kanyang gagampanan. Nabanggit din ng bidang si Richard Gutierrez na malaki ang role ni Jomari sa series na magpi-premiere na sa March 23. Gaganap si Jomari bilang uncle ni Richard na magpapasa ng kaalaman ng fencing sa kanya.

    Para maging makatotohanan ang pagganap niya sa natokang role, nag-training ng fencing si Jomari sa isang fencing school. Kumuha rin siya ng ilang pointers ng fencing sa kaibigan niyang si Richard Gomez, na naging member ng Philippine Team ng fencing na nag-compete sa ibang bansa.

    Isa pa ngang ikinabi-busy ni Jomari ay ang back-to-back concert ng American Idol Season 7 winner and runner-up na sina David Cook at David Archuleta, respectively, ang susunod na ipo-produce ng Fearless Promotions nina Jomari, Ronald Singson, at Ryan Luis Singson pagkatapos ng matagumpay na Missing You concert nina Pops at Martin Nievera.

    Anumang araw ay lilipad patungong U.S. si Jomari para makipag-usap sa dalawang David and their respective managers upang ayusin ang ilang detalye ng concert na sa May 16 na magaganap. Inaayos lang ni Jomari ang kanyang schedule dahil nagte-taping siya ng Zorro. Kapag nakahingi raw siya ng ilang araw na bakasyon, lilipad na siya patungong States.

    Pinagpipilian na lang kung sa Mall of Asia o sa The Fort ang venue ng concert. Basta kailangang open-air daw ito para mas marami ang makapanood, at mabawi ng mga producer ang talent fee ng dalawa at gagastusin ng kanilang entourage at iba pang haharapin na gastusin. Nakapag-down payment na raw ang Fearless Promotions kaya hindi na masusulot ng ibang concert producers sina David Cook at David Archuleta.

    Nabalita kasing may ibang concert producer na interesadong pagsamahin ang dalawang David, pero nauna nang i-announce ni Jomari na plano ng Fearless Promotions na kunin ang dalawa for a back-to-back concert. 


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here