SAN RAFAEL, Bulacan— “Gibo is the best!”
Ito ang walang alinlangang pahayag ni Mayor Ricardo Silverio ng bayang ito hinggil sa kung sino sa mga pangunahing kandidato sa pagkapangulo ang nakikita niyang may kakayahan na iangat ang ekonomiya ng bansa.
“Si Gibo ang the best man to lift the country from economic woes,” ani Silverio, ang tagapagtatag ng Delta Motors Philippines at itinuturing na pangunahing industrialist ng bansa noong dekada 60 at 70.
Sinabi niya na higit na nakalalamang sa talino at kakayahan si Gilbert Teodoro ng Lakas-Kampi kumpara kina Senador Benigno “Noynoy” Aquino III, at Senador Manuel Villar.
Bilang isang dating kinatawan ng ikatlong distrito ng lalawigan, sinabi ni Silverio na nakasama niya sa Kongreso sina Teodoro, Aquino, Villar at maging si Senador Mar Roxas.
“Maliban kay Mar Roxas na kandiddatong bise presidente, walang ibang kasing-galing si Gibo sa mga kandidatong iyan na nakasama ko sa Kongreso,” ani Silverio sa isang panayam matapos ang pasinaya sa bagong munisipyo ng bayang ito noong Lunes.
Ang gusali ng bagong munisipyo na matatagpuan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayang ito ay tinaguriang “Malakanyang ng Bulacan” dahil sa laki at ganda ng pagkakagawa.
Ito ay itinayo sa may tatlong ektaryang lote sa gilid ng highway at ayon kay Silverio ay magsisilbing “showcase ng kakayahan ng pamahalaang bayan para sa malinis, at matapat na pamamahalan.
Ang nasabing gusali ay pinasinayaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, at nagkakahalaga ng P86-milyon mula kung saan ang bahagi ay kaloob ng Pangulo at nagmula sa pork barrel ni Rep. Lorna Silverio, ang maybahay ni Mayor Silverio at kasalukuyang kinatawan ng ikatlong distrito.
Ipinagmalaki pa ni Silverio na wala silang inutang sa pagpapatayo ng bagong gusali ng pamahalaang bayan, samantalang sinabi ni Vice Mayor Rino Castro na ikinagalak ng mga kawani ng munisipyo at mga kababayan nila ang pagtatayo ng bagong munisipyo.
Sinabi pa nila na ang lumang gusali ng munisipyo ay gagamitin namang pasilidad para sa paaralang sekundarya, at ang isang bahagi ay gagamitin ng San Rafael Water District.