Gerald Anderson nae-excite kay Anne Curtis

    372
    0
    SHARE

    HINDI TALAGA mawala-wala ang excitement ni Gerald Anderson dahil siya ang napiling maging leading man ni Anne Curtis sa Dyesebel ng ABS-CBN.

    Ito yung role na Fredo na famous character na nasa orihinal na kwento ni Uncle Mars Ravelo, ay ang lalaking minahal ni Dyesebel mula sa mundo ng mga tao.

    Pero may kasamang kaba ang excitement ni Gerald, lalo pa nga’t first time niyang makakasama sina Anne at isa pang leading man na si Sam Milby. Biro nga niya, kinakabahan siya dahil sinabihan daw sila na kailangan daw niyang magkaroon ng abs dito.

    In an interview with Gerald, nag-share din siya ng kuwento tungkol sa mga maraming kaganapan sa kanyang personal na buhay at career. Ang nakaraang taon daw na dumaan ay napakasuwerte sa kanya when it comes
    to his career.

    “Marami ring ups and downs last year. Parang roller coaster ride. Ang dami ring blessings at the same time.

    Nakapag-Cannes Festival po ako dahil sa OTJ. “Sa personal life, siyempre, marami pong ups and downs pero excited ako for 2014 and the one thing that really excites me is Dyesebel talaga,” sabi pa niya.

    Pero walang banggit si Gerald tungkol sa kanila ni Maja Salvador. Naging madrama ang bahaging ito ng kanyang buhay dahil sa kontrobersyang kinasangkutan nilang tatlo nina Kim Chui.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here