May hinala na ang ibang malalapit sa kanila na may problema ang dalawa dahil hindi sila magkasama sa nakaraang Holy Week. Nasa magkaibang lugar sila kasama ang kanilang respective friends.
Just like other couples, hindi exempted ang magkasintahang Gerald at Maja sa mga trials and challenges na pinagdadaanan sa isang magkarelasyon.
Dahil dito, humihingi si Gerald ng pang-unawa na sana’y i-respeto ng lahat kung anuman ang kanilang pinagdadaanan ngayon at kung anuman ang kanilang naging desisyon. In fairness kay Maja, naging tahimik lamang ito sa kanilang paghihiwalay ni Gerald.
Kung matatandaan pa, nasira ang pagkakaibigan ng dating mag-best friends na sina Kim Chiu at Maja dahil kay Gerald na exboyfriend ni Kim. Although magkaibigang muli sina Kim at Maja, hindi na umano nito naibalik ang dati nilang relasyon bilang magbest friends.
Sina Kim, Maja at Gerald ay magkakasama every Sunday sa musical variety show ng ABS-CBN, ang “ASAP” kung saan din kabilang ang pop star na si Sarah Geronimo na minsan ding nalink kay Gerald. Masaya ngayon si Sarah sa kanyang first legit boyfriend na si Matteo Guidicelli.