Genesis bus nasunog, 11 pasahero ligtas

    460
    0
    SHARE
    MARIVELES, Bataan – Isang pampasaherong bus na galing sa Avenida Rizal (Manila) ang nasunog habang tinatahak ang Bataan superhighway sa Alas-Asin, dito noong Huwebes ng gabi at lubusang hindi na pakikinabangan.

    Sinabi ni Insp. Marvin Pedere, deputy police chief ng Mariveles, na batay sa kanilang imbestigasyon, walang pagsabog o sabotaheng naganap.

    “Mechanical o electrical problem ang sanhi ng apoy na maaaring nagsimula sa makina ng bus,”sabi ng pulisya.

    Aniya, napansin ng driver ng kasunod na sasakyan na umaapoy ang likurang bahagi ng Genesis bus na may plakang PYE-466 at body No. 8108 at agad inabisuhan ang driver ng pampasaherong bus.

    Ayon kay Jimmy Terte, kaagad niyang inihinto ang bus at sinabihan ang siyam niyang pasahero at konduktor na bumaba bago tuluyang nilamon ng apoy ang sasakyan.

    “Nang matanggap namin ang balita, kaagad kaming nagpadala ng mga tauhan at maging ang isang firetruck ng Bureau of Fire ay pumunta sa lugar subalit wala na kaming nagawa. Sunog na sunog na ang bus,” sabi ni Pedere.

    Wala namang nasaktan sa 11 sakay ng sasakyan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here