Ayon kay Rolen Cabalic, Jr., 40, ng Cawag Resettlement Area, Sitio San Martin na lalong kilalang lugar na “Abbot” nakagawa siya ng 20 pirasong “ bass box bamboo” sa loob ng isang araw.
Dugtong pa nito una niyang nakita ito sa isang dayuhan na nagpunta sa Subic dala ang isang “bass box” na gawa sa PVC at pumasok sa kanyang isipan na pwede itong gayahin at ang gagamitin na materyal ay kawayan.
Sinabi pa ni Cabalic na ang una nitong ibenenta ay nagkakahalaga ng P500 at patok naman ito sa mga turista.
Ayon pa kay Cabalic na marami na sa mga katutubo ang gumaya sa kanyang imbensiyon kung kaya bumaba na ang bentahan nito na umabot na lamang sa P200 bawat piraso.
Paliwanag ni Cabalic, ang “bass box bamboo” inilalagay ang cell phone depende sa unit kung ikaw ay magpapatugtog ng musika para gumanda ang tunog nito.