LUNGSOD NG CABANATUAN – Umaabot sa 98 porsiyento ng gatas na kinukunsumo ng mga Pilipino ay inaangkat mula sa mga dayuhang bansa.
Ayon kay Honorato Baltazar, isang opisyal ng Philippine Carabao Center (PCC) na nakabase sa Science City of Munoz, hindi rin gaanong mulat ang mga Pilipino sa kahalagahan ng pag-inom ng gatas lalo na sa mga kabataan.
Kaugnay nito, itinampok ang 2009 Gatas ng Kalabaw Festival sa pagsisimula ng Nutrition Month ngayong Hulyo.
Ayon kay Bi Pili, provincial director ng Department of Trade and Industry, bagama’t hindi kalakihan ay layunin ng festival na imulat ang mamamayan sa kahalagahan ng gatas ng kalabaw sa nutrisyon at kabuhayan ng mga magsasakang Novo Ecijano.
Tampok din sa festival ang pagbubukas sa publiko ng mga tindahan sa NE Pacific Mall ng mga produktong mula sa gatas ng kalabaw. Ang maliliit na negosyong ito, ani PIli, ay dapat suportahan ng gobyerno at pribadong sektor.
Ang gatas ng kalabaw ay itinatanghal bilang One Town One Product (OTOP) ng Science City of Munoz, San Jose City, Talavera at Llanera, Nueva Ecija.
Ngunit binigyang -diin ni Pili na bukod sa paglikha ng merkado para sa mga produktong gatas ay mahalagang matutukan ang pagpapalakas sa grupo ng mga magsasaka na lumilikha nito.