Nagpositibo ang pagbili ng droga mula sa suspek sa mismong gas station kayat agad itong sinalakay ng kapulisan.
Sa pagkapkap sa suspek nabawi mula sa kanya ang P500 marked money, walong sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 5.5 grams at market value na P15,000.
Aminado ang suspek sa paggamit ng shabu ngunit aniya’y nahihilingan lamang siya paminsan minsan kaya siya nagbebenta ng droga. Ayon kay Supt. Raniel Valones, hepe ng San Rafael PNP, naging madali para sa suspek ang pagbebenta ng shabu dahil hindi pansin ang transaksyon nito dahil sa akala moy mga nagpapakarga lamang ng gasolina ang mga buyers dito ng ilegal na droga.
Ang suspek ay nasa kustodiya ngayon ng San Rafael PNP dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.