LUNGSOD NG OLONGAPO – Pormal nang nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal sa lungsod nitong Biyernes sa Rizal Triangle.
Unang nanumpa si reelected Mayor Rolen “Lynj” Paulino, Jr. sa harap ni Judge Richard Paradeza ng RTC Branch 72 ng siyudad. Kasunod nito, nanumpa din ang mga halal na konsehal.
Sa mensahe, ni Paulino, sinabi nitong tapos na ang politika at hiniling ang pagkakaisa ng bawat isa. Ginawang nitong halimbawa ang Covid-19, na aniya’y wala namang nagturo sa atin kung anong gagawin ngunit sa pagkakaisa ng bawat isa, mga doktor, medical personnel at frontliners ay natawid ang mga mamamayan ang pandemya.
Ani pa ni Paulino, ang Olongapo ay naging modelo dahil sa magandang response lalo na sa treatment sa mga nagkakasakit, sa ibinibigay na ayuda, sa pagbabakuna na naging epektibo dahil sa tulong ng lahat lalo yung mga nasa barangay.
Binanggit din ni Mayor Paulino ang pagpapatayo ng home for the aged at mental health facility Barangay New Cabalan. Gayon din ang expansion ng ospital at paglalagay ng karagdagang kama para sa mga dialysis patients.
Dumalo sa oath-taking ceremony sina Subic Bay Metropolitan Authority xchairman Rolen Paulino Sr., elected 1 st District Rep. “Jay” Khonghun, Zambales Vice Gov. Jaq Khonghun at iba pang government officials.