LUNGSOD NG GAPAN – Umaapela ngayon sa pamahalaang lungsod ang mga dating may-ari ng pwesto at tindera sa pampublikong pamilihan dito na pigilan ang implementasyon ng bagong Market Code upang bigyang daan ang posibleng pagbabago nito.
Ayon kay Adelaida Roque, pangulo ng Gapan City Market Vendors’ Association, iniaapela nilang ang ilang probisyon ng City Ordinance 02-2002, na lumikha ng Market Code, partikular ang “sobrang taas ng renta” na umaabot sa P17,000 hanggang P22,000 kada metro kuwadrado.
Nais din ng mga magtitinda na magkaroon ng kinatawan ang kanilang samahan sa Market Committee, ang lupon na nangangasiwa sa pagtanggap ng mga aplikante at paggagawad ng pwesto sa bagong palengke.
Si Roque at ang kanyang grupo ay dati nang may inuupahang stalls sa pamilihang pambayan dito bago ito nasunog noong Agosto, 2007. Mabilis na naipatayo ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Ernesto Natividad ang bagong palengke matapos makautang sa bangko ng may P248 milyon.
Noong 2008 ay hinadlangan nina Roque sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ang ordinansa sa pagsasabing ginawa ito ng Sangguniang Panlungsod ng walang pampublikong pagdinig.
Ayon kay Vice Mayor Christian Tinio, bagama’t sa kanilang paniniwala ay may sapat na public hearing noon, nagpasya ang konseho na bawiin na lamang ang ordinansa mula sa SP. Maaaring may teknikalidad, ayon sa kanya.
Dahil hindi lubos na napagtibay ng SP ang ordinansa, naniniwala sina Tinio at ang mga tindera na posibleng walang bisa ang Market Code kaya’t maaari itong hindi ipatupad.
Sumasang-ayon si Tinio na posibleng amyendahan ito upang maibaba ang bayaring renta at mabigyang proteksiyon ang mga datinng may puwesto.
Sinabi ni Roque na para sa kanila ay katanggap-tanggap lamang ang P5,000 hanggang P10,000 bawat metro kuwadrado ng palengke.
Ang may pwestong si Perla Hernandez at kanyang mga kasama naman ay naniniwalang dapat ay ibigay ng walang goodwill sa mga nasunugan ang mga stalls ng palengke.
Ngunit ayon kay Natividad, humingi na siya ng opinyon sa Department of Interior and Local Government (DILG) hinggil sa epekto ng pagkakabawi ng ordinansa ng konseho ng lungsod mula sa SP.
Aniya, ipinahayg ng DILG na dapat ipatupad ang Ordinance No. 02-2008 dahil wala umanong epekto sa bisa nito ang withdrawal.
Ang bawat ordinansa na ipinapasa ng mga Sangguniang Lungsod at Sagguniang Bayan ay dumaraan at pinagtitibay ng SP.