OLONGAPO CITY — Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (ZCIDT) at Olongapo City PNP ang isang galamay ng criminal gang na kumikilos sa lungsod na ito.
Kinilala ni ZCIDT provincial officer, Chief Inspector Ferdinand Aguilar ang suspek na si Alberto Bernal, alyas Domingo Bernal at Bingo, 23, residente ng Bayabas St., Barangay Barretto, Olongapo City.
Ang suspek ay dinakip ng team na pinamunuan ni Senior Inspector Ferdinand Mendoza sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Olongapo City Judge Raymond Viray ng RTC Branch 75 sa kasong robbery with violence against and intimidation of person.