Galing ni Joross, muling napansin sa Star Awards

    400
    0
    SHARE
    Napansin na naman ang acting ni Joross Gamboa dahil after na ma-nominate noong 2007 sa Star Awards for TV para sa MMK episode na Cellphone, nominado na naman siya ngayon sa Best Single Performance by an Actor para sa Bisikleta episode.

    Nakasama niya rito si Albert Martinez at kinunan pa ito sa China. Marami ang nakapansin na nasabayan ni Joross ang galing ni Albert sa naturang episode. At lumitaw talaga ang role ng actor doon at naihiwalay niya kung sino at kung ano ang character ng isang Joross Gamboa sa totoong buhay.

    Well, masungkit na kaya ni Joross ang trophy sa November 29? Abangan ninyo na lang ang 23rd Star Awards For TV na ipalalabas sa ABS-CBN 2 sa kanilang Sunday’s Best at live na mapapanood sa Pagcor Grand Theater, Sucat, Parañaque City.

    Makakalaban niya sina John Lloyd Cruz, JC de Vera, Vice Ganda, Richard Gomez, Albert Martinez, Diether Ocampo, at John Wayne Sace.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here