CABANATUAN CITY – Inaasahan ngayon ang higit na malalim na serbisyo ng mga opisyal at kawani ng Division 3 ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System matapos ang dalawang araw na seminar-workshop hinggil sa gender and development (GAD).
Kung dati ay sapat na ang epektibong pagpapadaloy ng tubig sa mga sakahan, ang mga gender sensitive na kawani ng UPRIIS Division 3 ay tutugon hanggang sa pangkalahatang kabutihan ng mga magsasaka bilang kanilang kliyente, ayon kay Sherwin Maniquiz ng Philippine Commission on Women.
Paglilinaw ni Maniquiz, ang GAD ay hind limitado sa pagtingin sa kababaihan bagaman at pangunahing batayan ang Magna Carta for Women.
Sa NIA, aniya, ay malinaw na aktibo rin sa mga gawaing agrikultura ang kababaihan kaya marapat silang pagtuunan ng pansin.
“Sabi nila normally pang babae lang daw. Pero toto nga ba? Is it only for women? Sabi ng gender and development, no. Pero sino ba yung mas nangangailangan ng ating programa,” sabi ni Maniquiz.