Nalaman naming per project ang agreement ng dalawa.
Ibinalita rin ni Popoy na kasama si Gabby sa bagong soap ni Carla Abellana at nasa cast din ang isa pa niyang talent na si Rafael Rosell.
Next week pa ang storycon ng soap at next week pa malalaman ang title, director at ibang cast.
Dahil makakasama ni Carla sina Gabby at Rafael, hindi na siya manghihinayang na kay Kris Bernal ibinigay ang Little Mommy na unang nabalitang siya ang magbibida.
Hindi man niya makatrabaho sina Nora Aunor at Eddie Garcia, siya naman ang naunang makasama ni Gabby sa unang soap nito sa Kapuso channel.
Ang galing ng paglipat ni Gabby kay Popoy dahil magkasama na sila sa Luminary Management ni Dennis Trillo at magkasama sila sa Viva Films movie na Felix Manalo na showing na ngayon.
Kung si Dennis ang gumaganap sa role ni Felix Manalo, si Gabby naman ang gumaganap sa role ni Ka Erdy Manalo.