Gabby Concepcion galit kay Piolo Pascual

    977
    0
    SHARE

    Late dumating si Gabby Concepcion sa presscon ng Yesterday, Today, Tomorrow last Tuesday night sa Imperial Palace Suites at katunayan, nakauwi na ang ibang press nang siya’y dumating.

    Gayunpaman, pinagkaguluhan siya agad ng TV crew at entertainment press para kapanayamin siya.  Siyempre, ang iisang tanong ng lahat sa kanya ay kung kumusta na ang anak na si KC Concepcion at ang kanyang damdamin bilang ama sa dinadaanan nito ngayon dulot ng pakikipaghiwalay kay Piolo Pascual.

    “Hindi pa kami nag-uusap ni KC pero madalas kaming nagte-text.

    “She’s hurting, pero now, she’s a little better. As a father, of course, I’m hurting,” saad ni Gabo.

    Diretso ring sinabi ng aktor na galit siya sa taong nanakit sa anak niya.

    “I’m mad at the person who hurt the feelings of my daughter. You know, I taught my daughter how to swim, you know, how to ride a bike, how to do all that, ’no? And para paiyakin lang nang ganu’n, masakit.”

    Pero naniniwala rin naman si Gabby na malalampasan ni KC ang lahat ng ito.

    Sa totoo lang, marami pang in-emote si Gabby sa press, pero kanya itong ipina-off-the-record.

    Naniniwala ang press na galit ang aktor sa nangyari kina KC at Piolo dahil bawat salitang binitawan nito’y may diin, halatang gigil at kung dati’y mamula-mula na talaga ang pisngi, dumoble pa yata ito habang naglalabas ng sama ng loob kay Piolo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here