Gabay sa pagpili ng alkalde

    733
    0
    SHARE
    Ang mga sumusunod ay magsisilbing gabay sa pagpili ng magiging akalde (o mayor) ng isang bayan o lungsod:

    1.    Huwag bumoto ng mayor na hindi nakikita sa city hall at lumalabas lang sa mga lansangan kapag panahon ng eleksyon. Walang utang na loob. Pagkatapos ihalal ng tao noong 2007 ay nagtago na. Sinasabi umano niya na bawat taong gusto siyang makita at makausap ay humihingi lamang ng pera.

    2.    Huwag bumoto ng mayor, na kagaya ng isang humahabol na pangulo, ay naliligo sa dagat ng basura dahil hindi makapagbayad ng utang sa Kalangitan landfill.

    3.    Huwag bumoto ng mayor na may kasamang drug pusher at drug addict sa kanyang line-up.

    4.    Huwag bumoto ng mayor na kinukunsinti ang kanyang mga “aso” este tauhan na pinagkakakitaan ang mga manggagawang job order. Nililista ang pangalan ng kanyang mga kaibigan na mga coaches sa payroll sa city hall pero hindi naman pala ibinibigay ang sweldo kundi kanyang sinosolo. Nung umamin na may “ghost” employees nga siya ay wala namang ginawang aksyon ang kanyang amo. “Birds of the same feather flock together” ika nga ng kasabihan.

    5.    Huwag bumoto ng mayor na nag-go-golf at nagsusugal sa Macau habang ang kanyang mga nasasakupan ay binabagyo ni Ondoy.

    6.    Huwag bumoto ng mayor na nagdedemanda ng libelo sa mga mamamahayag na naglalantad ng kanyang pagnanakaw sa gubyerno.

    7.    Huwag bumoto ng mayor na bumibili ng motorsiklong nagkakahalaga ng P1.2-million kada isa (hindi naman Ducati o BMW), pero ang tunay na halaga ay nasa P500,000 lang. Halatang masyado ang kanyang kagarapalan.

    8.    Huwag bumoto ng mayor na “pinapatay” ang mga pasyente sa Ospital Ning Angeles dahil walang ibinibigay na sapat na pondo para pambili ng gamot.

    9.    Huwag bumoto ng mayor na dini-delay ang sweldo at hindi ibinibigay ang bonus ng mga empleyado sa city hall.

    10.    Huwag bumoto ng mayor na kino-kotongan ang mga imbestor na gustong magnegosyo sa lungsod. Umaabot ng P15-milyon hanggang P25-million ang kotong na hinihingi niya kaya sa San Fernando sila nag-iinvest. Wala kasing kotongan doon.

    11.    Huwag bumoto ng mayor na nangungutang ng P812.6-million upang makapagpatayo ng sabungan… este sports complex kesa bigyan ng sapat na gamot ang Ospital ning Angeles.

    12.    Huwag bumoto ng mayor na walang anumang ibinigay na suporta sa mga atleta ng lungsod.

    13.    Huwag bumoto ng mayor na nagsasabing pera lang ang katapat ng bawat botante sa lungsod lalo ng ngayong panahon ng eleksyon.

    14.    Huwag bumoto ng mayor na habang nangangampanya sa mga bahay-bahay ay namimigay ng tig-P200 na naka-sobre. Milyon-milyong piso ang kaniyang nakurakot pagkatapos ay P200 lang ang ibibigay sa inyo para iboto siya?



    Update sa pulitika:

    Inaabangan parin ng mga tao ang kalalabasan ng labanang Mayor Boking Morales at ng kanyang anak na si Marjorie Morales-Sambo. Ngunit wala paring independent at credible na survey na magpapatunay kung sino ang lamang sa dalawa. Pero ayon naman sa mga tauhan ni Mayor Morales,



    Nakinig ako sa isang caucus ni Blueboy sa barangay Virgen Delos Remedios noong Linggo ng gabi. Sa tatlong humahabol na alkalde sa lungsod ng Angeles, siya lamang ang walang inilatag na plataporma de gubyerno. Wala din siyang sinagot sa mga isyu ng korapsyon at sa kasong plunder (na katulad ng kaso ni Erap) na isinampa laban sa kanya sa Ombudsman. May aasahan pa ba tayo sa kaniya?

    Mababakas din ang kalungkutan sa mukha ni Blueboy at ng kanyang mga kaalyado nang gabing iyon. Maging ang kanyang pagtawa at pagsasayaw ay tila pilit din. Alam na natin kung ano ang dahilan. 



    Lalo pang lumalakas si Councilorable Rey Nacu Gueco habang papalapit na ang eleksyon. Mula sa number 10 ay pumanhik siya sa number 7 sa huling survey ng ilang mga estudyante. Si Councilor Rudy Simeon naman ay lalong bumaba pa at nasa number 18 na lang. Madami din kasi umano ang dismayado sa kanya lalong-lalo na ang kanyang mga ka-barangay sa Virgen Delos Remedios. Para ding si Blueboy, kapag eleksyon doon lang umano lumalabas.



    Sa lungsod naman ng San Fernando, masasabi kong walang katalo-talo si Mayor Oscar Rodriguez. Ngayon ay model city na ang San Fernando sa buong Pilipinas dahil sa mabuting pamamahala, sa kalinisan, sa pagiging business-friendly, sa pagkakaroon ng oportunidad sa lahat ng estudyante na makapag-aral ng libre, at sa marami pang bagay. Kaya hindi na kailangan pang gumugol ng madaming salapi si Rodriguez sa kampanya dahil sa kanyang mga nagawa. Kabaligtaran naman ito ng nangyayari sa lungsod ng Angeles. Ito ang dahilan kung bakit maghahalal ng bagong alkalde ang mga Angeleños.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here