Home Opinion ‘Freedom of the press,’ dinedma ng Congress

‘Freedom of the press,’
dinedma ng Congress

656
0
SHARE

SA ISYUNG ang Congress di pinahintulutan
na makakuha pa ng ‘license renewal’
itong ABS-CBN ay halatang
ang ating Pangulo naghugas ng kamay.

(Ya’y base na rin sa kanyang naging banta
na ipinahayag ‘in public’ ika nga
nang ang ‘political ads’ nito di yata
nai-ere at di nakita ng madla?)

Sa puntong ito ang marapat sisihin
ay itong NTC, kung pakasuriin;
di pagkukulang ng ABS-CBN
ang sila ay hindi nagawang sitahin.

Di kaya nang dahil sa ‘under the table’
na karaniwan nang ‘practices’ sa ngayon
ng ilang opisyal na nagsilbing kanlong
ng naturang ‘network’ para magpatuloy?

At nitong sumingaw lang ang isyu hinggil
sa ‘expired license’ ng ABS-CBN,
saka umeksena‘t todo nagmagaling
ang NTC para di papanagutin?

Ang tungkol naman sa ipinaubaya
na lang diumano ni Pangulo yata
sa kamay ng Congress ang kauwian nga
ng petisyon, ako’y di naniniwala;

Na kahit paano ay di nagatungan
ng impluwensya ng nasa Malakanyang
ang naging hatol ng mga Kinatawan
sa hiling ng ‘network’ na ‘license renewal’.

Ipagpalagay na nating nagkasala
ng di pagbabayad at pasong prangkisa,
ba’t di na lang papagbayarin ng multa
kaysa tuluyan nang ito’y ipasara?

Di na nga mabilang itong nawalan d’yan
ng trabaho dahil marami rin namang
nagsarang kumpanya sanhi ng pandemyang
Covid-19, atin pa bang daragdagan?

Itong na- ‘displaced’ na Broadcasters, Announcers,
Reporters, Newscasters, Cameramen, Writers,
Directors, Artista’t iba pang Performers,
palolobohin pa ba natin ang ‘jobless?’

Natural lamang na sa biglang pag-‘shut down’
ng naturang TV at Radio Station ,
saan sa akala ni Pangulong Digong
ang kapalaran n’yan posibleng humantong?

Di kasalanan nitong mga empleado
ng ABS-CBN ang nangyaring ito,
kaya sana naman, ikonsidera n’yo
ang kapakanan d’yan nitong ibang tao.

Kung saan din naman ang pamamahayag
ay damay sa puntong pati itong lahat
ng ‘media outfit’ sa bagong akdang batas,
na ‘anti’ sa hindi klaro nang paglabag?

Na maituturing nating nasa Media,
ito ay tuwirang pagsima kumbaga
sa bibig natin at sa tinta ng pluma,
na maghahayag ng totoo sa Masa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here