‘Freedom of expression,’ may limitasyon

    537
    0
    SHARE

    Tama’t nasasaad sa‘ting Konstitusyon
    Na tayo ay mayrung ‘freedom of expression,’
    Pero kasabihan, ‘it says in every rule’
    Ay may tinatawag din namang ‘exception’

    Kaya’t totoo mang may ‘existing’ batas
    Hinggil sa paksang yan ay di pa rin dapat
    Gawing sangkalan ng taong may dignidad
    Ang diumano’y kalayaang magpahayag

    Ng anong bagay na nakakainsulto
    Para sa ‘ting kapwa o kahit na sino,
    Pagkat ang ‘freedom of expression,’ pare ko
    May limitasyon din sa pag-gamit nito.

    Gaya halimbawa ng paglapastangan
    Sa isang bagay na sa iba ay banal,
    Kahit pa ma’t lahat ay may kalayaang
    Ihayag kung ano ang kanyang pananaw

    Ay maituturing na grabeng pagyurak
    Sa isang relihiyon ang ipinta’t sukat
    Ang isang sagradong bagay na di dapat
    Gawing kakatwa sa paningin ng lahat.

    Pagkat direkta nang pagtapak kumbaga
    Sa isang kapuwa mananampalataya
    Ang gawing abnormal sa mata ng iba
    Ang may koneksyon sa kanilang pagsamba.

    Na in-‘exhibit’ sa pambansang tanghalan
    Ng sining at arte kamakailan lamang,
    Nitong sinasabing grupo umano riyan
    Ng sikat na pintor sa ‘ting kapuluan.

    Na walang pangiming sinalaula nila
    Ang sadradong bagay sa isang pagpipinta;
    At kung saan ang Simbahang Katolika
    Ang tuwiran nilang binaboy kumbaga.

    Sa pangyayaring ang imahen ni Cristo
    At iba pa, gaya ng Santa at Santo
    Ay di lang binastos ng mga damuho’ng
    Artists sa CCP sa ‘exhibits’ nito;

    Kundi isang grabe rin namang pagtrato
    Partikular na sa mga Katoliko,
    Ang pinag-gagawa sa ‘exhibit’ na ito
    Nina Mideo Cruz at kasama nito!

    Na aywan kung anong sa ulo pumasok
    At naisipan ang ganyang pambabastos
    Sa kristiyanismo sa pagpinta kay Jesus
    Sa paraang hindi ikapuring lubos

    Nitong aywan natin kung matinong tao
    O maluluwag ang kanilang turnilyo,
    Kung kaya pati ang bagay na sagrado
    Para sa kapwa ay kanilang niloko.

    Eh kung sila kaya ang ipinta natin
    Na may mga sungay, kagaya ng kambing
    At saka may buntot na animo’y matsing
    Matutuwa kaya ang anak ng teting?
     
    Kaya kung ako ang siyang tatanungin,
    Marapat lamang at matuwid marahil,
    Na sila ay patiwarik na ibitin
    Upang magtanda sa gawang di magaling

    At kung maaari sila ay kasuhan
    Ng ‘criminal charges for blasphemous art’ niyan,
    Kasama pati ang CCP opisyal
    Na nagpahintulot ng ganyang pagtatanghal.

    Sa ating Pambansang Sentro ng Kultura
    Na marapat mangalaga’t ipreserba
    Ang sining sa paraang napakaganda,
    At di sa ganitong pananalbahe na!

    Nang di pamarisan itong si Mideo
    Ng ibang kapwa niya may topak sa ulo,
    Na posibleng kampon na rin ng demonyo
    Kaya nagawa n’yan ang ganyan kay Cristo!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here