SUBIC BAY FREEPORT—- Hinikayat ni SBMA chairman Martin Dino ang mga local government units na samantalahin ang mga tulong na bumababa mula sa national government partikular na ang usapin sa alternative fuels and energy technologies sa ginanap na forum sa Subic Holiday Villas dito.
Ang nasabing forum at may temang: Energy Sector Innovations thorough the use of Alternative Fuels and Energy Technologies.
Ayon kay Diño, mas malawak ang lupain na sakop ng SBMA kung ikukumpara sa kabuuan ng Singapore. “Dapat buksan ng ating mga kababayan ang kanilang isipan kung paano tayo magkaroon ng alternative source of energy, may mga kabundukan na tayong wala nang forest na pwedeng alternative energy ang paglalagay ng Solar Power Energy at Wind Turbine dahil ang SBMA ay nasa path ng hangin at malaking tulong ito para mapagkukunan ng sapat energy,” dugtong pa ni Diño.
Sinabi pa ni Diño ang planong paglilipat sa Pandacan Depot ay malaking tulong kung itoy ililipat sa SBMA.
Tinalakay din sa forum ang auto-LPG program ng Department of Energy para sa clean alternative fuels for transport.
Batay sa statistics may 8,415 auto-LPG taxis na ang gumagamit nito at may 192 refi lling stations sa bansa.
Ayon sa DOE hindi pa ina-advice ang pagamit ng LPG conversion sa mga tricycke at wala pa itong standard for safety. Batay sa RA 7638 (DOE Act of 1992) nakapaloob dito ang application for modern technology gaya ng natural gas, auto-LPG at electric vehicles.
Dumalo sa forum ang mga kinatawan ibat-ibang LGUs sa Zambales at Olongapo, transport sector, PNP at iba pang may kinalaman sa alternative source of energy.