Ang mag-amang Tsino nang i-turnover ng NBI sa BI. Kuha ni Rommel Ramos
LUNGSOD NG SAN FERNANDO CITY — Matapos na sumailalim sa inquest proceedings ang dalawang Chinese nationals na naaktuhang nagpapatakbo ng illegal Chinese pharmacy at clinic sa Angeles City noong May 28, nai-turnover na anga mga ito ng National Bureau of Investigation–Region 3 sa Bureau of Immigration para sa deportation proceedings.
Ayon kay Atty. Marvin De Jemil, NBI–3 executive officer for operation, dinala na sina Doctor Chen, Zheng Zhong at anak nito na si Chen, Hai Fang a.k.a Tan Hei sa BI para sa deportation proceedings pabalik sa bansang Tsina.
Aniya, bahala na ang B.I para sa tamang disposisyon ng mag-amang Intsik.
Bagamat ipapa–deport ay tuloy pa rin daw ang kaso ng mga ito sa bansa at sa October ang nakatakdang arraignment.
Nakapaglagak na rin ng piyansa ang dalawa sa mga kasong paglabag sa RA 2383 o The Medical Act of 1959, at RA 3720 o The Food, Drug and Cosmetic Act as amended by RA 9711 o The Food and Drug Administration Act of 2009.
![](https://punto.com.ph/wp-content/uploads/2020/06/F18E4CFD-848F-4377-ABDA-FB38A0DCB46A.jpeg)
Napag-alaman na walang permit sa FDA at sa lokal na pamahalaan ng Angeles ang Bao An Tang Chinese Drug Store na minementena ng dalawa.
Matapos ang raid ay napag-alaman na walang license to operate ang nasabing Chinese pharmacy batay sa sertipikasyon ng FDA.
Matatandaan na magsagawa ng entrapment operation ang magkasanib na pwersa ng NBI–3 at FDA matapos makatanggap ng impormasyon na nagbebenta ng mga hindi rehistradong gamot sa lugar ang dalawang dayuhan.
Nang pasukin ang apartment ay tumambad sa mga otoridad ang mga hospital beds, mga used and unused dextrose, unregistered chinese medicines, rapid test kits at swab kits na ginagamit na pang-detect ng Covid-19.