Home Headlines Food packs sa 9 barangay na naka-lockdown

Food packs sa 9 barangay na naka-lockdown

1230
0
SHARE

Pamamahagi ng food packs  sa mga naka-lockdown na barangay. Kuha ng Bataan Capitol



LUNGSOD
NG BALANGA — Nagsimula nang mamahagi ng food packs ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan bilang suporta sa mga residente ng siyam na barangay sa bayan ng Mariveles na isinailalim sa localized lockdown sa loob ng 14 na araw simula noong Sabado.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia ngayong Martes, ika-apat na araw ng lockdown, na naunang namigay ng relief goods sa mga barangay ng Malaya, Maligaya, at San Carlos at susunod na rin umano sa mga barangay ng Poblacion, Camaya, San Isidro, Sisiman, Balon Anitoat Ipag.

Ito ang mga lugar na naka-lockdown mula ika-12 hanggang ika-26 ng Setyembre na ipinatutupad ang mga guidelines sa enhanced community quarantine upang mapigilan ang dumaraming kaso ng coronavirus disease sa Mariveles.

Naunang naipamahagi na ang 4,654 food packs at 188 kahon ng sardinas na inihanda ng mga kawani ng Bataan Capitol.

Makaaasa kayo na ang lahat ng siyam  na barangay na nasa ilalim ng localized lockdown ay makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaang panlalawigan, bukod pa sa tulong na magmumula sa pamahalaang bayan ng Mariveles,” sabi ng governor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here