Home Headlines Food pack sa bawat Bataeno ngayong Pasko

Food pack sa bawat Bataeno ngayong Pasko

1089
0
SHARE

Mga residenteng nakatanggap na ng food packs sa Mariveles. Contributed photo


 

LUNGSOD NG BALANGA — Sinimulan na ngayon ang pamamahagi ng food packs sa ilalim ng programang “Tulong mula sa Pamahalaan” na taon-taong ginagawa ng Bataan provincial government upang may munting pagsalu-saluhan ang bawat pamilya sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ang bawat food pack ay naglalaman ng limang kilong bigas, 800 grams spaghetti noodles, 1 kilogram spaghetti sauce, 165 grams cheese, 150 grams canned corned beef, 340 grams canned luncheon meat, at 836 grams fruit cocktail.

Sinabi ni Gov. Albert Garcia na ito ay muling ipamamahagi sa bawat tahanan sa buong lalawigan at ihahatid mismo ng mga opisyal ng barangay.

Nauna na, aniyang, nakatanggap ang mga taga-Mariveles kaninang umaga at sa susunod ay sa iba pang mga bayan at isang lungsod ipamamahagi ito.

 

Bakunado

Samantala, umabot na sa 1,011,919 ang kabuuang bilang ng vaccine doses na naiturok sa Bataan, kabilang ang 19,520 booster shots na naibakuna sa general adult population.

Ang nakatanggap ng first dose ay 550,947 na ang 441,452 ay fully vaccinated na.

Batay sa ulat ng provincial health office ngayong Miyerkules, walang bagong kumpirmadong kaso at walang bagong namatay sa coronavirus disease sa Bataan kahapon, Martes.

Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ay nanatili sa 29,510 samantalang 1,208 naman ang lahat ng nasasawi sa Covid–19.

Bumagsak sa 26 ang mga aktibong kaso na ang mga bayan ng Bagac at Samal ay parehong zero ang tala. Ang iba pang may aktibong kaso ay Balanga City – 8, tig-4 ang Mariveles at Orani, tig-3 ang Dinalupihan at Hermosa at tig-1 ang Limay, Pilar, Orion, Abucay, at Morong.

Umakyat sa 28,276 ang mga nakarekober nang magtala ng tatlong bagong gumaling na ang dalawa ay sa Mariveles at isa sa Samal.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here