Bumubuti na daw ang kalagayan ng pito sa walong estudyante sa Donya Candelaria Meneses Duque Memorial High School sa bayan ng Bulakan, Bulacan na napaulat na nagpositibo sa Influenza AH1N1 noong Lunes.
Sana nga!
Ayon kay Dr. Joy Gomez, provincial health officer sa Bulacan, isa na lamang ang nakikitaan ng mild symptoms sa walong estudyante habang wala namang nakikitang sintomas ng influenza like illness sa mga taong may direct contact dito.
Gumaling na sanang talaga!
Bagamat bumubuti na ang kalagayan ng pito ay kinakailangan pa ring dalawang beses itong magnegatibo sa throat swabbing upang matiyak na ligtas na ang mga ito at hindi na rin makahawa.
Oooops, di pa pala tapos. Kailangang pa ang dagdag na pag-iingat.
Sinabi pa ni Gomez na nagbigay na rin ang DOH ng libreng Tamiflu sa walong estudyanteng nagpositibo sa A H1N1 at maging ang mga direct contacts nito.
Ang galing! Pero sa San Miguel, Bulacan, naantala ang pagsasagawa ng DOH ng throat swabbing. Kapos ba sila sa test kit o sa taong may kakayahan para magsasagawa nito?
Mananatiling suspendido ang klase sa Donya Candelaria Meneses Duque Memorial High School sa bayan ng Bulacan, samantalang kanina ay nagbalik na sa normal ang klase sa St. Mary’s Academy sa bayan ng Hagonoy.
Naku, salamat! Nakahinga ng maluwag ang mga kababayan ko sa Hagonoy.
Sa bayan naman ng Guiguinto ay sinabi ni Gomez na magaling na at wala ring nahawa sa unang kasong nagpositibo sa A H1N1 na naitala noong unang linggo ng buwan ng Hunyo.
Ito ang unang naitalang positibo sa Bulacan, pero hindi agad naamoy ng media. Inilihim ba ang kaso o talagang hindi agad namonitor ng health officials sa Bulacan.
Inaasahan pa ni Gomez na sa darating na mga araw ay darami pa ang mag-uulat sa kanilang tanggapan ng mga kaso ng influenza like illness dahil sa maayos na koordinasyon sa mga opisyal ng paaralan at baranggay.
Aba, siyempre naman. Flu pandemic stage six na nga tayo ngayon at ibig sabihin may geographic transmission na sa mga community tulad sa Jaen, Nueva Ecija. Ingat po tayo.
Samantala, dumalo naman ang halos 100 private school owners at mga superbisor ng DepEd sa ipinatawag na pulong noong Martes kaugnay ng paghahanda kung paano maiiwasan ang A H1N1 sa kani-kanilang eskwelahan.
Siyempre naman. Mukhang natakot matapos mabalitaan yung walong positibo sa Bulakan, Bulacan noong Lunes.
Ipinaliwanag nina Dr. Edna Zerrudo at Dr. Irmingardo Antonio ng DepEd sa naturang pagpupulong ang kahalagahan ng pagbuo ng iskema para sa mabilisang pag-uulat ng influenza like illness sa DOH.
Kasi, noong una hindi raw dumadalo ang mga taga private schools. Sabi naman ng ilang private schools, hindi sila ini-inform.