Home Headlines Fishing ban idedeklara sa Malolos

Fishing ban idedeklara sa Malolos

404
0
SHARE
Ang pagkuha ng Philippine Coast Guard ng water sample sa baybayin ng Malolos. Larawang kuha ng Malolos CDRRMO

LUNGSOD NG MALOLOS – Idedeklara na anumang oras ang fishing ban matapos na may mamataan na langis sa coastal areas nito na hinihinalang mula sa lumubog na motor tanker Terra Nova sa Limay, Bataan.

Ayon kay Mayor Christian D. Natividad, may nakita nang mga langis sa coastal areas ng Malolos simula kahapon.

Dahil sa lawak ng nakitang langis na dati namang hindi nakikita sa dagat ng Malolos ay hindi na nila hihintayin ang confirmation ng DENR sa water sample at agad na ipagbabawal na muna ang pangingisda sa bahaging ito ng lungsod para maiwasan na maibenta pa sa merkado ang mga kontaminadong isda.

Sa ngayon ani Natividad ay binabalangkas na ang guidelines para sa fishing ban at inaalam na rin kung gaano katagal ito ipatutupad.

Pinag-aaralan na rin ng Malolos LGU ang tulong na ibibigay sa mga maapektuhan ng nasabing fishing ban.

Ayon sa ulat ng Malolos City Agricultural Office ang kabuuang sukat ng fishpond area sa coastline ay nasa mahigit 100 hectares; ang mangrove areas ay halos 20 hectares; at ang talabahan ay nasa 10 hectares. Ang mga maapektuhang mangingisda sa limang coastal barangays ay nasa 1,000 indibidwal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here