Ito ay may temang “Pinatatag na Batas Pangisdaan, Hakbang sa Pagkamit ng mas Masaganang Karagatan”.
Nakiisa dito ang mga fisherfolk na nasa baybayin ng Subic mula Barangay Cawag, Wawandue, Asinan Proper, Baraca-Camacheli, Calapandayan, Calapacuan at Matain.
Sa nasabing pagdiriwang nag-turnover ang BFAR Region lll kay Subic Mayor Jay Kohnghun ng 10 units ng 12-horsepower engine, 50 sets ng hook and line, pressurized lamp at life vest para ipamahagi ang mga ito sa sa mga natatanging mga mangingisda.
Kasunod nito, ang Department of Agriculture Region 3 at DA Subic ay namahagi din ng seeds at pitong shallow tube well sa mga magsasaka para may magamit bilang patubig sa bukid bilang paghahanda sa El Niño.
Tumanggap din ng abono at seeds ang mga magsasaka ng Barangay Cawag, Aninway Sacatihan,Mangan- Vaca, Naugsol, San Isidro at Pamatawan.
Bahagi ito ng Bottoms up Budgeting (BUB) ng Department of the Interior and Locaal Government at counterpart ng pamahalaang bayan ng Subic.