Home Headlines First responders sumailalim sa seminar sa IED awareness, bomb threat response

First responders sumailalim sa seminar sa IED awareness, bomb threat response

477
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Nilahukan ng mga kawani ng disaster risk reduction and
management office ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang seminar hinggil sa
kamalayan sa improvised explosive device at pagresponde sa bomb threat na
itinaguyod ng Nueva Ecija Provincial Explosive and Canine Unit sa lungsod na ito
nitong Huwebes.

Ayon kay Lt. Ferdinand Galang, NE-PECU team leader, ang seminar na isinagawa
sa pakikipag-ugnayan ng Nueva Ecija Police Provincial Office ay naglalayong
magabayan ang mga first responders sa pagtugon sa mga sitwasyong may
kinalaman sa pasabog.

“Bilang mga first responder ay may training sila sa pag-rescue sa oras ng
kalamidad pero kailangang alam nila ang tamang hakbang sa usapin ng IED at
bomb threat para sa kaligtasan ng lahat,” ani Galang.

Bahagi ng seminar ang pagpapakita sa mga uri ng IED, profile o anyo ng mga
posibleng terorista o nagpapasabog ng bomba, mga hakbang kung may tawag o
sumbong na bomb threat at batas na nagpaparusa dito.

Matatandaan na sa nakalipas na ilang buwan ay may mga tanggapan ng gobyerno,
kabilang ang dalawang sangay ng hukuman at isang paaralan amg binulabog ng
bomb threat na ipinadala sa pamamagitan ng text messaging at private
messaging.

Bago ang May 2022 national and local elections ay isang granada ang natagpuan
sa gutter ng isang bahay sa Jaen, Nueva Ecija kung saan may ginaganap na
political meeting.

Sa kasagsagan ng tensyon sa pulitika sa Jaen noomg 2020 ay magkahiwalay na
pagsabog ng IED ang naitala sa bakuran mg pamahalaang bayan at pampublikong
pamilihan nito.

Bukod dito, mahalaga rin ang kaligtasan ng publiko mula sa mga vintage bomb na
nahuhukay sa ilang construction sites, ani Galang. “May mga napupunta pa po sa
mga junkshop na maaring magdulot mg panganib,” dagdag niya.
Muli namang hinikayat ng opisyal ang publiko na kaagad makipag-ugnayan sa mga
himpilan mg pulisya sakaling may makitang pasabog o makatanggap ng bomb
threat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here