MARAMI sa mga residente na nakapaligid sa tanggapan ng OLONGAPO CITY POLICE OFFICE (OCPO) , Barangay Barretto, Olongaspo City ang labis na natatakot sa tuwing nakakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril na animo’y may giyera ng nagaganap sa kanilang paligid at ang takot na baka sila tamaan ng ligaw na bala mula sa FIRING RANGE sa loob mismo ng nasabing kampo ng mga pulis.
Nitong nakalipas na linggo halos maghapon na walang patid ang putok ng baril ang naririnig mula sa FIRING RANGE sa loob ng Olongapo City Police Office. Isa rin itong dahilan para mabulabog sa pamamahinga ang mga residente sa paligid ng nasabing kampo, ang nangyayari pakiramdaman na lamang kung may maligaw na bala sa bubungan ng kanilang bahay.
Sabagay minana lamang ito ng bagong pamunuan ng Olongapo City Police Office na si P/Sr. Supt. Oscar Albayalde na dapat sana sir ay hindi na ito itinuloy pa ang pagpa-FIRING sa loob ng kampo.
Bagamat sinasabi ng ilang pulis na “safe” naman daw ito, ang tanong ilang porsiyento ang garantiya dito?. Eh! sa mismong FIRING RANGE na may napakalawak ang sakop ay bumabalik ang bala diyan pa kaya sa kakapirasong lugar na halos magsiksikan na sa kipot ang mga gustong magpaputok ng kanilang mga baril.
Aantayin pa ba natin na may madidisgrasya, bago kayo kumilos para ipahinto ang FIRING RANGE? Isa pa may accredited RANGE OFFICER ba sa tuwing may nagpa-Firing sa loob ng kampo na umaalalay sa mga nagpaputok ng kanilang baril? Tiyak ko WALA.
Isa pa diyan may permit ba ito mula sa FIREARM AND EXPLOSIVE DIVISION (FED)? Palagay ko wala, at dahil PULIS kayo pinapairal ninyo ang pagka-PULIS. Paano ninyo mapapasunod ngayon sa tamang ayos ang mga sibilyan, sige nga?
Sa isinagawang pagsasaliksik ng CASTIGADOR, ang Zambales-Olongapo Pistol Riffle Association (ZOPRA) sa Barangay Del Pilar, Castillejos, Zambales ang nagiisang FIRING RANGE sa buong Zambales-Olongapo ang napagkalooban ng accreditation mula sa FED maliban dyan wala na at ilan dyan ay illegal na.
Huwag naman sana natin ipangalandakan na PULIS kayo at kinatatakutan ng sibilyan at dahil dito natatakot na magreklamo sa maling gawain.
PAGING! Police Regional Office lll (PRO3) Director, P/Chief Supt. Leon Nilo Dela Cruz, sir, sana naman mabigyan mo ito ng kaukulang aksyon para sa kapakanan ng ating mga kababayan na nasa pligid ng kampo.
Salamat po at umaasa ang taumbayan.