Home Headlines Firetruck mula DILG tinanggap ng BFP-Masinloc

Firetruck mula DILG tinanggap ng BFP-Masinloc

194
0
SHARE

MASINLOC, Zambales — Binigyan ng bagong firetruck ng Department of the Interior and Local Government ang Bureau of Fire Protection ng bayanga ito nitong Marso 24.


Ito ay programa ng ahensiya para sa modernisasyon ng BFP sa buong Pilipinas kung saan nauna nang nabigyan ang BFP-Masinloc na matagal nang hinihiling sa ahensiya ang modernong firetruck.
Sa ceremonial turnover, iniabot ni DILG Secretary Juanito Victor C. Remulla Remulla ang susi ng fire truck sa BFP-Masinloc.

Ayon kay Remulla kauna-unahang bayan sa Central Luzon na nabigyan ng 1000- gallon firetruck ang bayang ito simula nang siya ay manungkulan noong nakaraang taon.

Ang turnover ceremony ay dinaluhan nina Zambales Gov Hermogenes Ebdane,  Jr., at Masinloc Mayor Arsenia Lim. Photos: Zambales for the People

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here