Home Headlines Fire Prevention Month umarangkada, grassfire naitala

Fire Prevention Month umarangkada, grassfire naitala

176
0
SHARE
Ang ilan sa kagawad ng Bulakan BFP na nag-aapula ng grass fire. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG MALOLOS — Umarangkada na ngayong araw ang kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) kasama ang Malolos City disaster risk reduction and management office at iba pang ahensya para sa Fire Prevention Month.

Nakasirena habang nagmo-motorcade ang mga fire trucks, ambulance at ilang government vehicles para bigyan ng paalala ang publiko na mag-ingat sa sunog na karaniwang tumataas kapag buwan ng Marso dahil sa init ng panahon.

May mga mascot din ang BFP na kasama sa motorcade para maging sa mga kabataan ay makapagpa-alala na makaiwas sa sunog.

Pero sa pag-umpisa pa lang ng buwan ay naitala na ang isang grassfire sa Barangay Matungao sa bayan ng Bulakan, Bulacan.

Bandang alas-4 ng hapon nitong Sabado nang bigla na lang nagliyab ang damuhan sa isang bakanteng lote na malapit sa mga kabahayan at pabrika.

Dahil tuyong-tuyo ang mga damo, mabilis na lumaki ang apoy ngunit agad na rumesponde ang mga kagawad ng BFP at inapula ang sunog para hindi na kumalat pa.

Tumagal din ng isang oras bago naapula ang apoy at wala namang naiulat na nasaktan. Inaalam pa ng BFP ang dahilan ng grassfire.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here