NASA HULING term na ng panunungkulan
si ‘World Class City Mayor’ Ed Pamintuan,
ng Angeles, pero kung ga’no kasikhay
nang una, ‘yon pa rin sa kasalukuyan
Sa pagtalima niya sa tungkuling dapat
gampanan para sa mahal niyang kasiyudad;
at halos ay walang sinayang na oras
bilang isang responsableng ‘public servant’
Kaya naman halos ay di na mabilang
ang ‘awards’ at iba’t-iba pang parangal
na natanggap mula sa internasyonal
at panglokal nating ‘awarding bodies’ dyan.
Di minamaliit ng aba n’yong lingkod
ang nagawa r’yan ng unang nagsiluklok
bilang city Mayor ng kanilang lungsod,
pero kakaiba ang kanyang naging rekord
Pagdating sa ‘public service’ at iba pa,
na di mapantayan ng sinundan niya;
sanhi na rin nitong uri ng pagrenda
ni EdPam na lubhang kakaiba talaga.
Ilang alkalde na ang nagpalit-palit
umupo, natalo at muling bumalik?
Pero sino itong sa ‘spaghetti wires’
sa sentro ng Plaza Angel nagpaalis?
Kundi si EdPam na walang kapaguran
pagdating sa puntong palingkurang bayan?
(Di gaya ng ibang kapag ‘last term’ na n’yan
ay di na makapa halos sa tanggapan!)
Ang Pandan-Magalang Road ay nagawa rin
during his 2nd term – at itong Lazatin
Hospital, na dating ONA, patuloy ding
binibigyan niya ng matamang pansin.
Kung saan ay iba’t-ibang makabagong
‘medical instrument’ ang nakaya nitong
hingin ‘from friends abroad by means of donation,’
(at saka bigay ng kaibigang doctors).
Kaya naman halos ngayo’y kumpleto na
sa ‘medical apparatus’ at iba pa
ang naturang public hospital, liban sa
yan ay na-renovate sa panahon niya.
Imbes sabungan o isang ‘Sports Complex’
ang ipinatayo niya’y City College,
kung kaya’t ang dukha na taga Angeles
nakapag-kolehiyo dahil kay Mayor Ed.
Nasolusyon din ang ‘traffi c congestion’
papasok, palabas d’yan sa may ‘city hall’
dahil sa kalsadang bagong gawa ngayon,
na patungong Clark at iba pang direksyon.
At dahil wala na yatang mapaglagyan
ang maralita sa sementeryong bayan;
kabilang ngayon ‘yan sa tinututukan,
ni EdPam bago siya bumabang tuluyan.
At marami pa ring balak isaayos
si Mayor para sa mahal niyang kalungsod,
bago ang ‘fi nal term’ niya ay matapos,
bilang ‘Outstanding Mayor’ nitong lungsod.
At di nga kagaya ng ibang opisyal,
na kapag ‘last term’ na ng panunungkulan
ay di na makapa itong karamihan,
lalo pa’t wala nang balak tumakbo yan!