Home Headlines Final double-checking ng SAP documents dinagsa

Final double-checking ng SAP documents dinagsa

841
0
SHARE

Masusing pag-rebisa ng mga dokumento para sa SAP. Kuha ni Ernie Esconde


 

SAMAL, BataanDinagsa ng maraming tao ang final counter-checking ng mga dokumento sa pagbibigay ng P6,500 kada benepisyaryo sa ilalim ng Social Amelioration Fund ng Department of Social Welfare and Development sa Barangay Santa Lucia sa bayang ito Lunes ng hapon.

Humaba ang pila ng mga tricycle kung saan sakay ang mga benepisyaryo na naghihintay na matawag sa loob ng barangay hall.

Nagtiyagang pumila ang mga tao samantalang patuloy ang paalaala ng mga opisyal ng barangay sa pangunguna ni punong barangay Hector Forbes at mga kagawad na huwag kalilimutan ang social distancing.

Sinabi ni Yeng Amado, Santa Lucia barangay secretary, na final na ang pagsusuri ng mga papeles ng mga beneficiaries at matapos ito ay magbibigayan na ng cash assistance sa covered court sa loob ng palengke ng Samal.

Meron, aniyang,  ilang pagkakamali tulad ng nalagay sa family name ang middle name at ilan pang maliliit na pagkukulang sa pag-fill up ng forms.

Sa 322 residente ng Santa Lucia na nabigyan at nagsubmit ng  SAP application form, 182 lang umano ang mabibigyan ng financial assistance ngayong Lunes. Umaasa raw ang barangay secretary na mabibigyan ang ibang hindi nakatanggap sa pangalawang payout.

Sa buong Santa Lucia ay merong 784 pamilya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here