HAGONOY, Bulacan—Makunsensiya sana kayo!
Ito ang naging pahayag ng mga residente ng bayang ito matapos masagip ang may apat na buwang fetus sa ilog kamakalawa ng hapon.
Nanawagan naman ang simbahan sa mga magulang na nagpaplanong ilaglag ang kanilang sanggol na buhayin ito at hayaang maipanganak at ipaampon sa halip na patayin at magkasala sa Diyos.
“Dapat makunsensiya ang mga taong may kagagawan ng pagtatapon ng mga fetus,” ani Restituto Santos, 62, residente ng barangay San Nicolas ng bayang ito na isa sa mga nagdala sa natagpuang fetus na nakalutang sa ilog kamakailan.
Ayon kay Restituto, hindi hayop ang fetus na kanilang nakuhang nakalutang sa ilog, sa halip ay tao rin, ngunit kulang sa edad.
Ayon kay Elpie Santos, isang mangingisda at residente rin ng barangay San Nicolas, nagulat siya ng makita niyang nakalutang sa ilog ang isang may apat na buwang fetus bandang alas 3 ng hapon noong Miyerkoles.
“Akala ko patay na pusa, nung una kasi ay nakasama sa mga basura, pero nung makita kong fetus, nagulat ako,’ ani Elpie at sinabing hindi siya makapaniwala na may ina na magtatapon ng kanyang anak sa ilog.
Ayon pa sa mga residente ng nasabing barangay, ang fetus na nakuha kanina ay ikalawa ng fetus na nakuha sa kanilang barangay sa loob ng tatlong linggo.
Dahil dito, may hinala sila na posibleng may abortionist na hindi kalayuan sa kanilang lugar, o may estudyanteng nagbuntis na nais itago ang pagbubuntis sa pamamagitan ng paglalaglag sa sanggol na nasa sinapupunan pa.
Inayunan din ito ni Abelardo Crisostomo, isa pang residente ng bayang ito na nagsabing kung estudyante ang ina ng fetus, ito ay nagpapatunay na walang takot ito sa Diyos.
Para naman kay Fr. Nel Santos, ang assistant parish priest ng National Shrine of St. Anne sa bayang ito, sinadya man o hindi ang pagkalaglag ng sanggol, hindi ito dapat itinapon sa ilog, sa halip ay dapat binigyan ng marangal na libing.
“Hindi hayop yung sanggol na itinapon sa ilog, tao yan at para sa Diyos, ang tao ang pinakamahalagang nilalang Niya,” ani ng pari.
Ipinayo rin niya na sinumang ina o magulang na nagpaplanong ilaglag ang sanggol na nasa kanilang sinapupunan na buhayin iyon hanggang maisilang at ipaampon sa mga taong naghahangad magka-anak o kaya sa mga organisasyon o ahensiya ng gobyerno na kumakalinga sa mga sanggol na walang magulang.
“Ang buhay natin ay mula sa Diyos, ito ay mahalaga at ipinagkatiwala Niya sa atin, dapat din natin itong pahalagahan,” ani pa ng pari na nagbendisyon sa fetus bago inilibing sa Sta. Ana Cemetery sa likod ng National Shrine of St. Anne sa bayang ito.