Home Headlines Feeding program sa mga bata isinasagawa

Feeding program sa mga bata isinasagawa

1361
0
SHARE

LIMAY, Bataan: Patuloy sa pagsasagawa  ng feeding program ang isang samahan upang matulungan ang mga bata sa kanilang komunidad sa sityo Pex sa Barangay Lamao sa bayang ito.

Sinabi ni Jeffrey Reyes, bagong halal na Pangulo ng Pex Community Association (PCA),  na ang kanilang kauna-unahang feeding program ay may temang “Kumain ng Wasto at Maging Aktibo, Kaya Natin ito.”

Nagsimula ang proyekto noong Enero 24 at magtatapos sa Enero 30 ng taong kasalukuyan. Humigit-kumulang sa isang daang bata ang napapakain araw-araw tuwing alas-3 ng hapon

“Batay sa nakuha naming datos, marami sa mga bata sa aming komunidad ay malaki ang kulang sa timbang kaya ang aming samahan ay naglunsad ng ganitong programa upang makatulong lalo sa na sa mga batang nagugutom at hindi nakakakain ng tatlong beses maghapon,” sabi ni Reyes.

Ito’y bilang pagsuporta na rin umano ng PCA  sa  panawagan ng Department of Health para sa maayos na kalusugan ng bawat Pilipino.

Hanggang may batang nagugutom ay magpapatuloy, ani Reyes,  ang kanilang asosasyon sa ganitong proyekto.  Hindi lang umano mga bata ang nabubusog sa feeding program kundi nadadamay na rin ang mga senior citizen at mga kaanak na kasama ng mga bata.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here