SA WAKAS, bago matapos ang termino
ng ating mahal at butihing pangulo,
maideklara na ang federalismo
sa panahon ng panunungkulan nito.
Na siyang tanging daan patungo sa tunay
na pagbabago at ikapagtagumpay
ng kanyang mithiin na makapamuhay
ng ligtas sa takbo ng magulong buhay.
Partikular na r’yan sa pang-araw-araw
na pagharap natin sa di magkamayaw
at animo’y tunog ng mga batingaw
ang sa ating taynga, umaalingawngaw!
Ito ang sa tuwing halalan, pagdagsa
sa’ting Inangbayan nitong nagnanasa
na maindorso ang sarili sa kapwa,
sa pamamagitan ng tamis ng dila.
Pero matapos na sila’y mai-upo
sa puesto, ang lahat ng ipinangako
ng nakararami sa pader napapako,
kaya’t manghahalal ang palaging bigo.
Sa inaasahang serbisyong matapat,
na kabaligtaran ang sukli madalas
ng ipinangako nitong naging Hudas
nang ‘yan ay matuto sa gawang di patas..
Kalakarang bulok, na naging mitsa na
ng korapsyon at ng nakawan sa tuwina
sa kaban ng bayan, na ibinubulsa
ng iba r’yan para makabawi sila.
Sa ipinamudmod na milyones nitong
pinalad? o dahil ang ngala’y maugong
sa kasagsagan na alin mang eleksyon
na idinaraos tuwing tatlong taon.
Kaya hangga’t sila ang manhik-manaog
sa puestong pambayan, kailan ang hikaos
sa pera, subalit ang talino’y hinog
sa salita ng Diyos, puedeng mailuklok?
Kapalit ng mga ibaba na dapat
kapagka si Digong na ang nagpahayag,
ng suporta sa ating ngayo’y tinutulak
na ‘Rev Gov’ dito sa buong Pilipinas.
Kung saan milyones ang magtipon-tipon
d’yan sa Quirino Grandstand sa maghapon
o hanggang bukas pa sakalit si Digong
at Nur Misuari ‘late’ yan sa pagsalubong.
At kung saan nga sa Qurino Grandstand
kung di man marahil d’yan sa Malakanyang
ang ating Bandila ay iwawagayway,
tanda na ang ‘Rev Gov’ na itong iiral!
Magpakatatag ang bawat isa sa’tin
sa paglakad tungo sa ikagagaling
ng bayang saklot ng mga matitinding
problemang dulot ng sa bayan ay taksil.
Ipagsigawan ng malakas ang tayo
ay pabor kabayan sa Federalismo,
na siyang tanging lunas upang mapagbago
itong kalakaran sa ating gobyerno.
Kaya, huwag matakot, kundi bakus ating
ipagpatuloy ang banal na hangaring
mabihisan ang ‘form of government’ natin
ng FEDERALISMO, na angkop sa atin!