Kinilala ng Plaridel PNP ang suspek na si Redentor Simon Dionisio, 43, may asawa, isang driver at residente ng Barangay Bintog.
Base sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ni Inspector Romulo Del Rosario, isang search warrant ang nakatakdang ihain sa suspek sa kasong pagtutulak ng droga.
Laking gulat ng mga pulis nang mapansin ng mga ito ang pekeng uniporme,pekeng baril at pekeng helmet ng pulis sa sala ng suspek.
Nakuha sa bahay ng suspek ang pitong sachet ng pinaghihinalaang shabu, timbangan, pitong bala, 26 na bala ng kalibre 22, mga basyong bala ng kalibre 45, pekeng ID, disposable lighter, shabu paraphernalia at isang pares ng posas.
Mga kasong possession of illegal drugs, usurpation of authority, illegal possession of ammunition ang isinampa laban sa suspek na kasalukuyang ipiniit sa Plaridel Municipal Jail.