Home Opinion ‘Ex-village chief in hot water’

‘Ex-village chief in hot water’

623
0
SHARE

TIYAK iikot ang nangapal na puwit
sa kauupo ang dating ‘barangay chiefs,’
na anumang oras posibleng i-’audit’
ng COA, at haharap sa paglilitis

Sakali’t sila ay walang malinaw na
‘accounting’ kung saan ang kanilang IRA
nasimot, liban sa ‘collectibles’ nila
na di rin malinaw kung saan dinala.

Isa sa maaring umikot ng husto
(ang puwit) ay ang dating tawag ay di santo
sa lugar n’yan kundi ang ‘Agos ay Todo’
na sakop ng araw, dagat at buwan mismo.

Sa ‘half million pesos’ na ‘cash on hand’ dapat
ni PB, sa nakalipas lang na ‘fi ve months’,
at kung saan ‘60k’ na lang ang ‘balance’,
sa ‘’passbook’ nila ay magkaproblema tiyak.

Kung ang bagong halal na kauupo lang
ay hingin kina Kap at sa Ingat-Yaman
ang ‘receivables’ na dapat ipasa n’yan ,
pati ‘expenditures’ sa paraang legal.
.
At ang ilang bagay na tila wala rin
sa patulo ay ang direktang pag-angkin
ni Ex-Kap pati na sa ‘offi cial dry seal,’
(na aywan kung saan niya gagamitin).

Natuklasan din nitong ‘newly elected’
na ni wala rin daw anumang papeles
na maipakita ang ‘ex-barangay chief,’
sa kanyang ‘successor’ bago siya umalis.

Tama bang pati na ilang kagamitan
sa ‘barangay hall,’ gaya r’yan ng upuan
mesa at iba pa kunin at iuwi ‘yan
ni Kap sa sarili niyang pamamahay?

Maliban na lang kung ya’y sa sariling bulsa
galing ang pambili, ‘save by the bell’ siya.
(‘Yan sa imbentaryong gamit-opisina
madaling masilip kung kanya talaga).

Pero baka naman itong ‘subject’ natin
may pinangangahas sa COA o alin
mang ‘government sector’ kung kaya tigasin
at lahat ng gusto ay kaya niyang gawin?

At ang isa pa r’yan na kataka-taka
ay itong sa tagal ng pag-upo niya,
ni resolusyon o kaya ordinansa
wala yata ‘on fi le’ kahit man lang isa?

Pang-’Ripley’s Believe it or Not,’ tiyak itong
ating nakalap na bagong impormasyon,
hinggil sa ‘elusive’ nating ‘subject person’
na naging ‘barangay chair’ ng siyam na taon.

Nangangahulugan na sila ay basta
sumusueldo pati mga Kagawad niya,
Ingat-yaman, Kalihim at ang iba pa
para gampanan ang katungkulan nila?

Di sa ninanais nating ipahamak
ang sinumang sa tungkulin di malingap,
kundi ang atin ay para maitumpak
ang di dapat tularan ng bagong salpak.

At sana, huwag naman nating ngayon pa lang
ay pintasan itong mga bagong halal
at patutsadaang ‘ningas kugon’ lang ‘yan
pagkat dala lamang ng inggit ang ganyan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here