Home Headlines Ex-konsehal sinampahan ng mga kaso ng sexual abuse

Ex-konsehal sinampahan ng mga kaso ng sexual abuse

417
0
SHARE
Nakatayo sa likuran ng kanilang legal counsel na si Atty. Joey Cruz ang tatlong nagrereklamo ng sexual abuse laban sa ex-councilor. Kuha ni Rommel Ramos

SAN MIGUEL, Bulacan — Sinampahan ng dalawang kaso ng sexual abuse sa Bulacan Provincial Prosecutor’s Office ang isang dating municipal councilor ng nasabing bayan na si Melvin Santos, residente ng Barangay Camias.

Ang mga nagsipagreklamo ay kinilala sa mga alyas na “Mark,” 35-anyos, at alyas “Joey,” 30-anyos, na pawang mga menor de edad pa lamang daw nang naganap ang insidente.

Ayon kay Atty. Joey Cruz, legal counsel ng mga biktima, ang dalawang kaso ng sexual abuse ay sinampa sa piskalya nitong Miyerkules.

Sa salaysay ng mga biktima ay 17-anyos pa lamang sila noon nang dalhin sila ni Santos sa kanyang bahay at doon sila minolestya sa magkakahiwalay na insidente.

Dahil sa takot at may hawak daw na baril noon si Santos ay hindi na sila nakapanlaban ng pagsamantalahan sila ng dating konsehal na nagbanta kapag sila ay magsusumbong.

Sa panayam ng media ay sinabi ng dalawa na makaraan ang ilang taon ng pananahimik ay nagdesisyon na sila na magsampa ng reklamo dahil marami na daw ang naglalabasan na mga nabiktima din ni Santos.

Samantala, ito na ang ikatlong kaso ng sexual abuse na isinampa laban kay Santos sa piskalya.

Unang naghain ng reklamong rape at sexual abuse nitong nakaraang ika-18 ng Disyembre ang isang 21-anyos na lalake na si alyas “Roy” na dati namang tauhan ni Santos sa punerarya.

Sa salaysay ng biktima ay 16-anyos pa lamang siya noong naganap ang panghahalay sa kanya ni Santos kung saan ay tinakot din siya nito gamit ang baril at pagbabanta pati na sa kanyang pamilya.

Depensa naman ni Santos na pulitika at character assassination lang ang pagsasampa sa kanya ng reklamo at handa niyang harapin ito sa korte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here