Ex-councilor patay sa pamamaril

    345
    0
    SHARE
    QUEZON, Nueva Ecija – Isang dating miyembro ng sangguniang bayan dito, balwarte ng pamilyang Joson, ang napatay sa pinakahuli sa serye ng karahasan sa probinsiyaa nitong Lunes ng gabi.

    Ang biktima na nakilalang si Daniel Lonzarida, 47, naging konsehal ng bayan mula 2010 hanggang 2013 at residente ng Purok 2, Barangay Bertese dito ay hindi na umabot pa ng buhay sa ospital sanhi ang anim na tama ng bala ng .45 pistola, ayon kay Senior Inspector Ariel Enriquez, hepe ng pulisya.

    Sa imbestigasyon, si Lonzarida ay naglalakad sa gilid ng provincial highway, ilang metro mula sa kanyang bahay, nang biglang dumating ang dalawang suspek na nakamotorsiklo. “Sandaling kinausap ng mga suspek ang biktima at bigla na lamang siyang pinaputukan,” ani Enriquez.

    Dalawa sa mga bala ang tumama sa ulo ni Lonzarida at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang apat na punglo, batay sa imbestigasyon.

    Ang mga suspek ay kapwa naka-jacket ng itim at mabilis na tumakas matapos ang pamamaril, ayon lay Enriquez.

    Pero nasiraan muna ng motorsiko ang mga suspek kaya inabandona ito may 800 metro ang layo mula sa crime scene.

    Ang pamamaslang kay Lonzarida ay kasunod ng pamamaril sa punong barangay ng Talipapa, Cabanatuan City na si Apolonio dela Cruz, noong Setyembre.

    Nakaligtas si Dela Cruz subalit pinangangambahang maparalisa dahil sa malubhang tama sa kanyang leeg.

    Noong Hunyo ay binaril at napatay sa karapan ng kanyang bahay soi Roger Pascual, chairman ng Barangay Camp Tinio, at nitong Setyembre rin ay pinaslang sa harapan ng kanyang pamilya si Cezar Baltazar, chairman ng Gen. Luna, parehong sa Cabanatuan City.

    Kasalakuyang kapitan ng barangay ang maybahay ni Lonzarida at nakatakda namang kumandidatong konsehal ang isa niyang anak na babae.

    May mga Special Investigation Task Force na itinatag ang PNP sa lahat ng kasong ito, ayon kay Senior Supt. Manuel Cornel, direktor ng Nueva Ecija Police Provincial Office.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here