Namatay kaagad sanhi ng mga tama ng bala sa katawan sina Norman Dela Cruz, 34, dating pulis, at Jonathan Mamato,28, samantalang kasalakuyang ginagamot sa ospital si Alvin Binene,36, pawang residente ng Barangay Mambangnan.
Sa imbestigasyon nina PO3 Adeian Lapitan at PO2 Norwin Cunanan, mga may hawak ng kaso, magkakasama ang tatlo bandang ala- 1:30 ng madaling araw nitong Martes sa isang bahagi ng kalsada sa kanilang barangay nang dumating ang isang SUV at pinaputukan sila ng sunod-sunod.
Isinugod pa ng mga rumespondeng residente sa Gonzales General Hospital, Barangay Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija ang mga biktima subalit idineklara ng mga duktor na dead on arrival sina Dela Cruz at Mamato.
Si Binene, na tinamaaan sa tiyan, ay nasa malubha pa ring kalagayan.
Nakabawi ang mga otoridad ng 14 na piraso ng basyo ng mga bala ng 9mm sa pinangyarihan ng pag-atake.
Napag-alaman pa na si Dela Cruz ay dating Police Officer 1 at nadestino sa San Leonardo Police Station subalit nadismis sa serbisyo dahil sa absence without official leave (AWOL) at sinasabing nag-positibo sa ipinagbabawal na gamot.
Nakuhanan pa umano ng ilang drug paraphernalia mula sa kanyang bulsa si Dela Cruz habang nasa ospital.