Home Headlines Ex-barangay chair patay sa pamamaril

Ex-barangay chair patay sa pamamaril

608
0
SHARE

STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Isang dating punong barangay ang napatay sa pamamaril ng riding in-tandem sa Barangay San Pascual ng bayang ito pasado alas-6 ng umaga nitong Lunes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Juanito Sana, 72, residente ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon, papasok na si Sana sa kanyang bakuran sakay ng isang single na motorsiklo nang pagbabarilin ng backrider ng nakabuntot na motorsiklo.

Ayon sa mga saksi, nakahelmet at itim na jacket ang driver samantalang naka-camouflage bull cap at may takip sa mukha ang gunman.

Nasamsam sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng .45 handgun, isang slug at ang camouflage bull cap ng gunman.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo sa pamamaslang at pagkakakilanlan ng mga suspek. Naganap ang pamamaslang ilang araw bago ang pormal na paghahain ng kandidatura para sa May 2019 elections.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here